• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-22 17:09:55    
Beijing, igagarantiya ang seguridad ng operasyon ng enerhiya sa panahon ng Olimpiyada

CRI

Sa kasalukuyang taon, ibayo pang pabubutihin ng Beijing ang sistemang panseguridad ng suplay ng karbon, koryente, natural na gas at langis para maigarantiya ang seguridad ng operasyon ng enerhiya sa panahon ng Beijing Olympic Games.

Sa working meeting ng pagsasaayos ng operasyon ng kabuhayan at enerhiya ng Beijing para sa 2008, ipinahayag ngayong araw ni Zhang Gong, Puno ng Lupon sa Pag-unlad at Reporma ng Beijing, na ang kabuuang bolyum ng konsumo ng enerhiya sa taong ito ay kokontrulin sa humigit-kumulang sa 65 milyong toneladang pamantayang karbon at ang bolyum ng konsumo ng enerhiya ng GDP sa bawat 10 libong yuan RMB ay bababa nang 5%.

Sa plano ng paggarantiya sa operasyon ng enerhiya, igagarantiya ng Beijing ang pinakamalaking pangangailangan ng koryente sa taong ito at tutupdin ang plano ng suplay ng mga natural na gas para maigarantiya ang pangangailangan ng malinis na enerhiya sa Olimpiyada.

Salin: Ernest