Sinabi kahapon ni Lin Yifu, darating na punong ekonomista ng World Bank na hindi magaganap ang resesyon ng kabuhayang Tsino pagkaraan ng Olympic Games.
Sa report meeting ng China Economic Observe na idinaos nang araw ring iyon sa Peking University, sinabi ni Lin na malaki ang saklaw ng kabuhayan ng Tsina at maliit ang proporsyon ng mga pamumuhunang may kinalaman sa Beijing Olympic Games sa kabuuang pamumuhunan ng bansa, kaya limitado ang epekto nito sa pangkalahatang kabuhayan.
Sinabi pa ni Lin na malakas ang pamumuhunan, konsumo at pagluluwas, tatlong elemento na nagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina at magiging mas mabuti ang kabuhayang Tsino pagkaraan ng Olympic Games.
Salin: Sissi
|