Naihalal na ang 2987 kinatawan sa ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) mula sa 35 pangkat na kinabibilangan ng iba't ibang rehiyong administratibo sa antas ng lalawigan, Espesiyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macao, Chinese People's Liberation Army at iba pa.
Napag-alaman ito ngayong araw ng mamamahayag mula sa pulong ng Pirmihang Lupon ng ika-10 NPC na idinaos sa Beijing. Pagkaraang kumpirmahin ang kredensyal ng mga kinatawan, ipapalabas sa lipunan ang listahan ng mga kinatawan. Ayon sa salaysay, ang naturang mga kinatawan ay naihalal pagkaraan ng demokratikong pag-nominate, pag-imbestiga ng may kinalamang departamento at pagkuha ng pagkilala ng mga mamamayan, kaya mayroong silang malawak na representasyon.
salin:wle
|