Ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang at Zhou Yongkang ay inihalal kahapon bilang kinatawan sa ika-11 Pambansang Kongreso Bayan o NPC ng Tsina.
Pagkaraan ng pagboto, pinagtibay nang araw ring iyon ng pulong ng pirmihang lupon ng ika-10 NPC ang ulat ng pagsusuri sa kuwalipikasyon ng mga kinatawan sa ika-11 NPC at kinumpirmang kuwalipikado ang lahat ng 2987 kinatawang inihalal ng 35 yunit na kinabibilangan ng iba't ibang lalawigan, rehiyong awtonomo, munisipalidad, espesiyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong at Macao at People's Liberation Army. Ipinasiya rin nitong isapubliko ang listahan ng mga kinatawan.
Salin: Jason
|