|
Kaninang umaga, ang mga kinatawan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC na galing sa lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina ay dumating ng Beijing na naging unang patch na kinatawan sa labas ng Beijing na dumating dito para dumalo sa unang pulong ng ika-11 NPC na bubuksan sa ika-5 ng buwang ito sa Beijing.
Kasabay nito, ang mga delegasyon ng mga kinatawan ng NPC na galing sa lalawigang Hei Longjiang, Hubei, Jiangsu, Hunan, Jilin, Anhui at iba pang lalawigan ng Tsina ay magkakasunod na dumating ng Beijing nang araw rin iyon.
Ang NPC ay pinakamataas na organong pangkapangyarihan ng Tsina na may kapangyarihang lehislatibo at nagpapasiya ng mahalagang isyu hinggil sa suliraning pulitikal ng estado. Ang termino ng kinatawan ng NPC ay 5 taon at may 2987 kinatawan sa ika-11 NPC.
Bukod dito, ang Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino o CPPCC, isang mahalagang organo sa kooperasyon ng multi-partido at pulitikal na konsulatatibong pinamumuan ng partidong komunista ng Tsina, ay idaraos bukas ang taunang regular na pulong.
Salin:Sarah
|