Nagsimulang magkober ngayong araw ang mga pangunahing mass medie ng Hong Kong sa idaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina at idinaraos na taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC.
Anang mga mass media, sa taong ito, magaganap ang mga malaking pangyayari sa Tsina, kaya sa kasalukuyang dalawang sesyong ito, siguradong marami ang mga mainitang paksa. Anila pa, pag-uukulan din nila ng malaking pansin ang gagawin ng mga kinatawan sa NPC at CPPCC na galing sa Hong Kong sa kasalukuyang dalawang sesyon.
Salin: Liu Kai
|