Nang kapanayamin kahapon ng hapon sa panahon ng kanyang pagmamasid sa seremonya ng pagbubukas ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC, ipiniahayag ng mga diplomatang dayuhan sa Tsina ang kanilang pananabik sa 2008 Beijing Olympic Games.
Ipinahayag ni Noel Novicio, konsul ng embahada ng Pilipinas sa Tsina, na ang Beijing Olympic Games ay isang malaking pangyayari para sa Tsina at maging sa buong daigdig at nananabik siya rito.
Ipinahayag din ng mga diplomata ng Tanzania, Switzerland, Afghanista at iba pang bansa ang kanilang pagkatig sa Beijing Olympic Games at pagtutol sa pagiging pulitika ng Olimpiyadang ito.
Salin: Liu Kai
|