mga mamamahayag na dayuhan sa taunang sesyon ng NPC at CPPCC
Ipinagkakaloob ng Press Center ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina, NPC at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC ang mga ginhawa sa mga dayuhang mamamahayag na nagkokober sa dalawang sesyong ito sa aspekto ng impormasyon, materyal, transportasyon at pakikipagpalitan sa mga mamamahayag na Tsino at ang mga serbisyong ito ay masiglang tinatanggap ng mga dayuhang mamamahayag.
Napag-alamang nagkokober sa kasalukuyang dalawang sesyon ang 843 dayuhang mamamahayag mula sa 225 media ng 42 bansa na lumaki ng 20% kumpara sa tinalikdang taon.
Salin: Liu Kai
|