• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-04 14:21:39    
Unang taunang sesyon ng bagong NPC, idaraos bukas

CRI

preskon ng unang sesyon ng NPC

Idaraos bukas sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, pinakamataas na organong pangkapangyarihan ng bansa. Ito ang unang taunang sesyon ng bagong termino ng NPC.

Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa pulong na preparatoryo ng sesyong ito at pulong ng presidium na idinaos pagkaraan nito na 2987 ang mga kinatawan sa kasalukuyang NPC.

Sa darating na 13 at kalahating araw, susuriin ng mga kinatawan ang mga working report ng pamahalaan, pirmihang lupon ng NPC, kataas-taasang hukumang bayan at kataas-taasang prokuraturang bayan at resolusyon ukol sa plano ng reporma sa mga organo ng Konseho ng Estado ng Tsina. Ihahalal ang tagapangulo, pangalawang tagapangulo, pangkalahatang kalihim, mga kagawad ng pirmihang lupon ng bagong NPC at ang pangulo at pangalawang pangulo ng estado. Ipasisiya ang kandidato sa premiyer at pangalawang premiyer ng konseho ng estado, kasangguni ng estado, mga puno ng iba't ibang ministri at lupon at tagapangasiwa, punong auditor at pangkalatahang kalihim ng People's Bank of China. Ihahalal ang tagapangulo ng Central Military Commision at ipasisiya ang kandidato sa pangalawang tagapangulo, mga kagawad ng komisyong ito. Ihahalal din ang punong mahistrador ng kataas-taasang hukumang bayan at prokurador heneral ng kataas-taasang prokuraturang bayan.

Salin: Sissi