|
Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Jiang Enzhu, tagapagsalita ng unang taunang sesyon ng bagong Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, na handang handa na ang iba't ibang gawaing preparatoryo para sa naturang sesyon.
Anya, idinaos kaninang umaga ang pulong na preparatoryo ng sesyong ito kung saan pinagtibay ang ahenda ng sesyon at inihalal ang presidium ng sesyon at pangkalahatang kalihim nito. Pagkaraan ng pulong na preparatoryo, idinaos ang unang pulong ng presidium kung saan ipinasiya ang paraan ng pagboto sa mga mosyon sa sesyong ito.
Isinalaysay din ni Jiang na sa panahong ng kasalukuyang sesyon, idaraos ang mga preskon hingil sa patakaran at relasyong panlabas ng Tsina, kaunlaran ng kabuhaya't lipunan at makro-kontrol, kapaligiran at yaman, pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon, hanap-buhay at social security at mga iba pang isyu. Pagkaraang ipinid ang sesyon sa ika-18 ng buwang ito, makikipagtagpo ang premyer ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga mamamahayag na Tsina at dayuhan at sasagot sa kanilang mga tanong.
Salin: Vera
|