|
Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Jiang Enzhu, tagapagsalita ng unang pulong ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na ang pag-aakit ng pondong dayuhan ay isang mahalagang bahagi ng patakaran ng Tsina sa pagbubukas sa labas, at patuloy at buong tatag na isasagawa ng kaniyang bansa ang pagbubukas sa labas at winiwelkam ang pamumuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan sa Tsina.
Sinabi ni Jiang na mula noong isang taon, magkakasunod na isinagawa ng Tsina ang pagsasaayos ng ilang patakaran na may kinalaman sa pamumuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan, at ang pagsasagawa nila ay posibleng nagdulot ng itinakdang epekto sa mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan, ngunit ang layon nito ay magkaloob ng isang mas pantay, bukas at pamantayang kapaligiran ng pamilihan para sa iba't ibang uri ng bahay-kalakal at bigyan ng patnubay ang mga bahay-kalakal sa pag-angkop sa bagong kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagpapabilis ng pagsulong ng industriya.
Salin: Li Feng
|