|
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Jiang Enzhu, tagapagsalita ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, na mahigit 410 bilyong yuan RMB ang badyet militar ng Tsina sa taong ito na lumaki ng mahigit 17% kumpara sa tinalikdang taon, ngunit bumaba ang proporsiyon nito sa kabuuang badyet piskal sa taong ito.
Sinabi ni Jiang na nitong ilang taong nakalipas, batay sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng kabuhayan at mabilis na paglaki ng government revenue, dinagdagan ng pamahalaang Tsino ang gugulin sa depensa at ito ay para mapalakas ang mahinang pundasyon ng puwersang pandepensa ng bansa.
Salin: Liu Kai
|