|
Sa kanyang pangungumusta kaninang hapon sa Beijing sa mga kalahok na kinatawan sa taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC, na galing sa Revolutionary Committee of Chinese Kuomintang, Taiwan Democratic Self-Government League at All-China Federation of Taiwan Compatriots, ipinahayag ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na dapat igiit ang kapayapaan at kaunlaran ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, taos-pusong hahanapin ang kabiyayaan para sa mga kababayan ng magkabilang pampang at ang kapayapaan sa Taiwan Straits at pangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa at pundamental na kapakanan ng nasyong Tsino.
Sinabi ni Hu na nakahanda kaming makipagdiyalogo at makipagtalastasan sa anumang partido ng Taiwan na kumikilala sa "ang dalawang pampang ay nabibilang sa isang Tsina". Tinukoy din niyang ang seperatistang aksyon ng pagsasarili ng Taiwan ay lumalabag sa malakas na kalooban ng nasyong Tsino sa pangangalaga sa unipikasyon ng bansa at tiyak itong mabibigo.
Salin: Liu Kai
|