|
Binuksan kaninang umaga sa Beijing ang unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina.

mga lider ng partido at estado
Dumalo sa sesyon si Pangulong Hu Jintao, ang mga lider ng partido at estado na kinabibilangan nina Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang at Zhou Yongkang at halos 3 libong deputado ng NPC. Nangulo sa sesyon si Wu Bangguo, tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC.
Sa ngalan ng kasalukuyang pamahalaang sentral na matatapos ang termino, binasa sa sesyon ni premyer Wen Jiabao ang ulat hinggil sa gawain ng pamahalaan. Nilagom niya ang bunga ng administrasyon ng pamahalaan nitong nakalipas na limang taon at iniharap ang mga mungkahi hinggil sa administrasyon sa taong 2008 sa bagong pamahalaan.
|