|

si Wen Jiabao sa sa grupong talakayan ng taunang sesyon ng CPPCC
Sa kanyang paglahok dito sa Beijing kahapon sa grupong talakayan ng taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, ipinahayag ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat patuloy na pabutihin ang makro-kontrol para mapasulong ang mabuti at mabilis na kaunlaran ng kabuhayan.
Sinabi ni Wen na pagkaraan ng 30 taong reporma at pagbubukas sa labas, matibay ang pundasyong pang-materyal at pangteknolohiya ng Tsina, malaki ang nakatagong lakas sa aspekto ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob, pagsasaayos sa estruktura, sarilinang inobasyon, pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa at malawak ang espasyo ng pag-unlad ng kabuhayan. Ang mga ito anya ay mga mabuting kondisyon para sa pagpapabuti ng gawaing pangkabuhayan sa taong ito.
Nang araw ring yon, sa magkakahiwalay na okasyon, ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Wu Bangguo, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang at Zhou Yongkang ay lumahok naman sa mga grupong talakayan ng naturang sesyon.
Salin:Sarah
|