|

Si premyer Wen Jiabao ng Tsina
Sa government working report sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina na binuksan ngayong araw sa Beijing, iniharap ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat gawing pangunahing tungkulin ng makro-kontrol sa kabuhayan ang pag-iwas sa labis na mainit na paglaki ng kabuhayan at maliwanag na implasyon at ang itinakdang target ng paglaki ng kabuhayan sa taong ito ay mga 8%.
Ipinahayag ni Wen na dapat kontrolin sa mga 4.8% ang paglaki ng Consumer Price Index o CPI sa taong ito at dapat isagawa ang mga malakas na hakbangin sa dalawang aspekto ng pagdaragdag ng mabisang suplay at pagpigil sa di-makatwirang pangangailangan para maiwasan ang labis na mabilis na pagtaas ng pangkalahatang lebel ng presyo.
Ipinahayag pa niyang dapat pabilisin ang pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kabuhayan at ang konstruksyong panlipunan na ang diin ay pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai
|