|
Sa government working report sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina na binuksan ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na patataasin ng kanyang bansa ang lebel at pasusulungin ang kalawakan at kalaliman ng pagbubukas sa labas.
Sinabi ni Wen na aktibong palalawakin ng Tsina ang pag-aangkat at matatag na pasusulungin ang pagbubukas ng industriya ng serbisyo.
Binigyang-diin din niyang dapat pabilisin ang pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kalakalang panlabas, pabutihin ang estruktura ng pagluluwas, palakasin ang bilateral, multilateral at rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan, patuloy na pasulungin ang talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan, mataimtim na isagawa ang mga nilagdaang kasunduan at pangalagaan ang pantay-pantay na kaayusang pangkalakalan ng daigdig.
Salin: Liu Kai
|