• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-05 11:49:32    
Unang sesyon ng ika-11 NPC, binuksan

CRI

Binuksan kaninang umaga sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, pinakamataas na organo ng kapangyaring pang-estado ng Tsina. Ito ang unang sesyon ng bagong termino ng ika-11 NPC.

Dumalo sa sesyon si Pangulong Hu Jintao, ang mga lider ng partido at estado na kinabibilangan nina Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang at Zhou Yongkang at halos 3 libong deputado ng NPC. Nangulo sa sesyon si Wu Bangguo, tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC.

Sa ngalan ng kasalukuyang pamahalaang sentral na matatapos ang termino, binasa sa sesyon ni premyer Wen Jiabao ang ulat hinggil sa gawain ng pamahalaan. Sinabi niya sa ulat na sa loob ng limang taong termino ng kasalukuyang pamahalaan, umabot sa 10.6% ang karaniwang paglaki ng GDP ng Tsina bawat taon at hanggang noong isang taon, ang GDP ng Tsina ay nasa ika-4 na puwesto ng daigdig at ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas naman ay nasa ika-3 puwesto. Iminungkahi niyang itakda na mga 8% ang target ng paglaki ng GDP sa taong ito, isagawa ang matatag na patakarang pinansyal at mahigpit na patakarang pansalapi at igiit ang nagsasarili at mapayapang patakarang diplomatiko.

Napag-alamang sa darating na 13 at kalahating araw, susuriin ng mga kinatawan ng NPC ang mga ulat ng mga pangunahing organo ng bansa at ihahalal ang mga lider at pangunahing opisyal ng estado.