Sa kanyang pagbisita kahapon sa mga kinatawan ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC, bumigkas ng mahalagang talumpati si pangulong Hu Jintao ng Tsina hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Nagkober hinggil dito ang mga mas media ng Hong Kong, Macao at Taiwan at ipinalalagay nilang ang naturang talumpati ay magdudulot ng napakahalagang impluwensiya sa relasyon ng magkabilang pampang.
Tinukoy ng media ng Hong Kong at Macao na ang mahalagang talumpati ni Hu ay muling nagpakita ng determinasyon at pananalig ng mainland sa pangangalaga sa reunipikasyon ng bansa.
Ipinahayag naman ng media ng Taiwan na ang diin ng naturang talumpati ay pagtutol sa reperendum sa pagsapi sa Taiwan at pagsasarili ng Taiwan, samantala binigyang-diin din nitong kung kilalanin ang "dalawang pampang ay nabibilang sa isang Tsina" at igigiit ang prinsipyong isang Tsina, tatalakayin ng magkabilang pampang ang hinggil sa pagbibigay-wakas sa ostilong kalagayan at pagdating ng kasunduang pangkapayapaan.
Salin: Liu Kai
|