|
Binuksan dito sa Beijing kahapon ang unang pulong ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Ginawa sa pulong ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang Government Working Report na nakakatawag ng malaking pansin ng mga media sa ibayong dagat at overseas at ethnic Chinese.
Ayon sa balita ng "Tribune de Geneve" ng Switzerland, pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagkakapantay-pantay ng lipunan, at pinalakas nito ang laang-gugulin sa mga aspektong gaya ng edukasyon at medisina.
Bukod dito, pinag-uukulan ng malaking pansin ng mga media na gaya ng American "Washington Post" at "New York Times" ang Government Working Report na ginawa ni Wen.
Sinabi rin ni Liang Bingnv, punong pandagal ng Samahang Thai sa Kababaihan ng Thailand at Tsina, na mula sa nasabing Government Working Report, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang isyu ng edukasyon.
Salin: Li Feng
|