
mga namamahalang tauhan ng walang partidong demokatiko ng Tsina
Idinaos ngayong araw dito sa Beijing ng unang pulong ng ika-11 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ang preskon at sinagot ang taong ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng bansa hinggil sa multi-partidong kooperasyon.
Ang nasabing mga namamahalang tauhan ng walang partidong demokatiko ng Tsina ay kinabibilangan nina tagapangulong Zhou Tienong ng Revolutionary Committee of the Kuomintang, tapangulong Jiang Shusheng ng Chinese Democratic League, tagapangulong Chen Zhichang ng China Democratic National Construction Association, tagapangulong Yan Juanqi ng China Association for Promoting Democracy, tagapangulong Sang Guowei ng Chinese Peasants and Workers Democratic Party, tagapangulong Xi Wangang ng China Zhi Gong Dang, tagapangulong Han Qide ng Jiu San Society at tagapangulong Lin Wenqi ng Taiwan Democratic Self Government League.
Sa preskon, ipinahayag ng nasabing mga lider na igigiit ang batayan ng kaisipan at pulitika ng ladas na pangkaunlaran ng sosyalistang pulitikang may katangiang Tsino, mataimtim na tutuparin ang tungkulin ng political participating party at pasusulungin ang siyentipikong pag-unlad at harmonyang panlipunan ng bansa.
Salin: Sissi
|