|
Bumigkas noong ika-4 ng buwang ito si pangulong Hu Jintao ng Tsina ng mahalagang talumpati na nakatawag ng mainit na reaksyon ng iba't ibang sirkulo ng lipunan. Ipinalalagay nilang may mahalagang realistikong katuturan at malalimang epekto ang talumpating ito para sa pagpapabilis ng hakbang ng pagpapalita't pagtutulungan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, pagpigil sa mapangwatak na aktibidad ng mga puwersang naninindigan ng pagsasarili ng Taiwan, pagpapasulong sa matatag at mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang at pagpapasulong ng proseso ng mapayapang unipikasyon ng inang bayan.
Sinabi ni Sun Keqin, direktor ng sentrong may kinalaman sa Taiwan ng China Institutes of Contemporary International Relations na ipinakikita ng nasabing talumpati na kasabay ng paglakas ng pangkalagatang puwersa ng estado at paglawak at paglalim ng pagpapalitan ng magkabilang pampang, nagiging mas nagtitiwalaan, bukas, makatwiran at pragmatiko ang Tsina, binigyan ng mas maraming pagpapahalaga ang pagharap sa katotohanan at paglutas sa mga problema.
Nakatawag naman ang talumpating ito ng mainit na reaksyon sa loob ng Taiwan. Sinabi ni Su Jiahong, kilalang iskolar ng Taiwan na makakapagpatingkad ang talumpating ito ng positibo at mahalagang epekto sa relasyon ng magkabilang pampang.
Salin: Vera
|