• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-07 14:19:25    
Hu Jintao: tumpak ang mga patakarang may kinalaman sa Hong Kong at Macao

CRI

Nakipagtagpo si Hu ang mga kagawad ng NPC at CPPCC mula sa Hong Kong at Macao

Ipinahayag kahapon ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na ang mga katotohanan sapul nang bumalik ang Hong Kong at Macao sa inang bayan, ay lubos na nagpapatunay na ganap na tumpak ang patakarang "isang bansa, dalawa sistema", "pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong", "pamamahala sa Macao ng mga taga-Macao" at awtonomiya sa mataas na antas, may ganap na karunungan at kakayahan ang mga kababayan ng Hong Kong at Macao sa pangangasiwa at pagtatatag nang mainam sa Hong Kong at Macao, at ang China Mainland ay magpakailanmang nagsisilbing matibay na sandigan ng Hong Kong at Macao.

Nakipagtagpo dito sa Beijing nang araw ring iyon si Hu sa mga kinatawan ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) mula sa Hong Kong at Macao na lumahok sa unang sesyon ng ika-11 NPC at unang sesyon ng ika-11 CPPCC. Sinabi niyang ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas. Sa proseso ng reporma't pagbubukas sa labas, napatingkad ng mga kababayan ng Hong Kong at Macao ang mahalagang papel at gumawa ng namumukod na ambag.

Salin: Vera