|
Magkakasunod na binigyan kamakailan ng komunidad ng daigdig ng mataas na papuri ang talumpati ni pangulong Hu Jintao ng Tsina hinggil sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits noong ika-4 ng buwang ito.
Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi kamakalawa ni Eni F.H. Faleomavaega, tagapangulo ng Subcommittee on Asia, the Pacific and the Global Environment ng mababang kapulungan ng Estados Unidos na ang talumpating ito ay nakakatulong sa pagpapahupa ng maigting na kalagayan ng magkabilang pampang.
Sa ngalan ng Unyong Europeo (EU), nagpalabas kahapon ang Slovenia, tagapangulong bansa ng EU, ng pahayag na inulit ang pananangan ng EU sa patakarang isang Tsina, binigyang-diin nitong palalalain ng "reperendum sa pagsapi sa UN" ng Awtoridad ng Taiwan ang maigting na kalagayan ng Taiwan Straits.
Ipinahayag naman ng mga ethnic at overseas Chinese sa Australia at Thailand na buong tatag na kumakatig sa talumpating ni pangulong Hu at tumututol sa pagpapasulong ng Awtoridad ng Taiwan ng umano'y "reperendum sa pagsapi sa UN".
Salin: Vera
|