|
Patuloy na idinaraos ngayong araw sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Sa sesyon ngayong araw, binasa ni Wu Bangguo, tagapangulo ng pirmihang lupon ng NPC, ang ulat hinggil sa gawain ng pirmihang lupon ng ika-10 NPC na matatapos ang termino.

Ipinahayag ni Wu sa ulat na nabuo na sa kabuuan ang sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino at ang lehislasyon ng Tsina ay sumasaklaw sa kabuuan sa iba't ibang aspekto na kinabibilangan ng kabuhayan, pulitika, kultura, buhay-lipunan at iba pa.

Ipinahayag din niyang sa taong ito, pabibilisin ng NPC ang pagbalangkas ng mga pangunahing batas sa loob ng sistemang pambatas, palalakasin ang lehislasyon sa larangan ng lipunan batay sa priyoridad ng pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, patuloy na pabubutihin ang lehislasyon sa larangan ng kabuhayan at lipunan, aktibong pasusulungin ang siyentipiko at demokratikong lehislasyon at walang humpay na patataasin ang kalidad ng lehislasyon.
Salin: Liu Kai
|