
Sa preskon ng taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC na idinaos ngayong araw, ipinahayag ni Liu Yingxia, isang kagawad ng CPPCC, na ang pagpapaliit ng agwat ng mga mayayaman at mahihirap ay responsibilidad ng bagong grupong panlipunan ng Tsina.

Sinabi ni Liu na gumawa na ng maraming pagsisikap ang pamahalaang Tsino para mapaliit ang agwat sa mga mayayaman at mahihirap. Anya, bilang mga tao na nakinabang sa reporma at pagbubukas at yumaman muna, dapat ipatupad at masiglang tuguin ng bagong grupo ang iba't ibang patakaran ng bansa sa naturang aspekto at aktibong lahukan ang usapin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.
Salin: Liu Kai
|