• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-09 15:55:26    
Mga lider na Tsino, lumahok sa talakayan ng sesyon ng NPC

CRI
Magkakahiwalay na lumahok kahapon sa Beijing ang mga lider na Tsino sa talakayan ng ilang delegasyon sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina.

Sa kanyang paglahok sa talakayan ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang, binigyang-diin ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na dapat samantalahin ng Xinjiang ang mahalagang pagkakataon ng pagpapasulong ng bansa ng paggagalugad sa dakong kanluran para tumpak na mapasulong ang mainam at may-kabilisang paglaki ng kabuhayan, maigarantiya at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan at isagawa nang mabuti ang gawaing pangnasyonalidad at panrelihiyon.

Sa kanya namang paglahok sa talakayan ng delegasyon ng Lalawigang Henan, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang agrikultura ay susi sa pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang pag-unlad ng pambansang kabuhayan at pagpigil sa implasyon, kaya dapat magsikap ang lalawigang ito para sa masaganang ani ng agrikultura sa taong ito para tumpak na maigarantiya ang suplay ng pagkaing-butil at mga subsidiyarytong produktong agrikultural.