|

Sa pagtataguyod ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, idinaos ngayong araw sa Beijing ang preskon hinggil sa social security system at isyu ng hanapbuhay ng Tsina.

Sinabi ni Li Xueju, ministro sa suliraning sibil ng Tsina, na sa kasalukuyan, nabuo na sa kabuuan ang sistema ng saklolong panlipunan sa lunsod at kanayunan ng Tsina at network ng paggarantiya sa pamumuhay ng mga mahihirap na mamamayan. Anya, nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na dinaragdagan ng Tsina ang laang-gugulin sa sistema ng minimum living guarantee sa mga mamamayan.

Sinabi ni Tian Chengping, minister of labor and social security ng Tsina, na sa kasalukuyan, lumalampas sa 20 milyon bawat taon ang bagong dagdag na lakas-manggagawa sa Tsina, kaya isasagawa ng pamahalaang Tsino ang komprehensibong hakbangin para ibayo pang mapalawak ang hanapbuhay.
Sinabi naman ni Li Liguo, pangalawang ministro sa suliraning sibil ng Tsina, na komprehensibong sinimulan na ang rekonstruksyon sa mga lugar sa timog bansa na sinalanta ng pananalasa ng ulan, niyebe at pagyeyelo at ipinagkaloob ng pamahalaang sentral ang mahigit 1.1 bilyong yuan RMB para sa rekonstruksyon ng mga pabahay sa mga apektadong lugar.
Salin: Liu Kai
|