|
Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Wang Lequan, kalihim ng Komite ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Partido Komunista ng Tsina, na ang Xinjiang ay naging mahalagang baseng nagpoprodyus ng langis at natural gas ng Tsina.
Sinabi niyang ang reserba ng langis ng Xinjiang ay katumbas ng 30% ng kabuuang reserba ng langis ng buong Tsina, at ang reserbe naman ng natural gas ay katumbas ng 34%.
Salin: Vera
|