|
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Wei Chao'an, pangalawang ministro ng agrikultura ng Tsina na noong isang taon, umabot sa 500 bilyong kilogram ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina at naisakatuparan ang kauna-unahang paglaki ng output ng pagkaing-butil nitong nagdaang 4 taong singkad sapul noong 1985.

Sa isang magkasanib na panayam ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan, ipinahayag ni Wei na noong isang taon, patuloy na pinabuti at pinalakas ng Tsina ang iba't ibang patakaran ng pagkatig sa mga mgasasaka, bagay na mabisang nagdebelop at nangangalaga sa kasiglahan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng pagkaing-butil at lumitaw ang mainam na kalagayan ng produksyon ng pagkaing-butil. Isiniwalat din niyang noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 4100 yuan RMB ang karaniwang netong kita ng mga magsasakang Tsino na lumaki nang 9.5%.

Salin: Vera
|