|

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Zhang Lijun, pangalawang direktor ng Pambansang Kawanihan ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, na may kompiyansa ang kanyang bansa na maisasakatuparan ang target na hanggang sa taong 2010, babawasan nang 10% ang pagbuga ng mga pangunahing pollutant kumpara sa taong 2005.

Idinaos nang araw ring iyon ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ang preskon, nang sagutin ang tanong ng mamamahayag, ipinahayag ni Zhang na mataas na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang gawain ng pagbabawas ng emisyon ng mga pollutant. Noong 2006, magkakahiwalay na lumagda ang kawanihang ito at mga pamahalaan ng 31 lalawigan, munisipalidad at rehiyong awtonomo at 2 kompanya ng koryente sa kasunduang may kinalaman sa responsibilidad ng pagbabawas ng emisyon ng mga pangunahing pollutant. Noong nakaraang taon, itinakda naman ng Konseho ng Estado ng Tsina ang komprehensibong plano sa gawain ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon at plano't paraan para sa pagsasagawa ng pagtasa sa gawaing ito.

Salin: Vera
|