• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-11 15:08:29    
Kalidad ng hangin ng Beijing sa panahon ng Olimpiyada, may garantiyang umabot sa pamantayan

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Zhang Lijun, pangalawang direktor ng Pambansang Kawanihan ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, na may garantiyang umabot sa pamantayan ang kalidad ng hangin ng Beijing sa panahon ng 2008 Olympic Games.

Idinaos nang araw ring iyon ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ang preskon, nang sagutin ang tanong ng mamamahayag, ipinahayag ni Zhang na mula noong 1998, nagkokonsentra ang Beijing sa pagpigil at pagsasaayos sa polusyon sa hangin. Pagkaraan ng tagumpay sa pagbibiding sa Olimpiyada noong Hulyo ng 2001, ibayo pang lumalakas ang pagsasaayos. Hanggang sa kasalukuyan, isinakatuparan na ng Beijing ang mahigit 200 tungkulin ng pagsasaayos, umabot sa mahigit 120 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pamumuhunan at malinaw na bumuti ang kalidad ng hangin ng Beijing.

Salin: Vera