|
Sinimula ang ika-6 reporma ng mga organo ng Konseho ng Estado ng Tsina sapul noong 1982. Ayon sa plano sa naturang reporma na isiniwalat ngayong araw, bubuo ang Konseho ng Estado ng bagong ministri ng industrya at pagsasaimpormasyon, ministri ng komunikasyo't transportasyon, ministri ng human resources at segurong panlipunan, ministri ng pangangalaga sa kapaligiran at ministri ng pabahay at konstruksyon ng mga lunsod at nayon.

Idinaos kaninang hapon ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ang sesyong plenaryo at pinakinggan ang paliwanag sa planong ito. May 15 organo lahat-lahat ang may kinalaman sa pagsasaayos ng repormang ito at binawasan ang 4 na organo sa antas ng ministri.

Binigyang-diin ng ika-2 sesyong plenaryo ng ika-17 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na hanggang taong 2020, dapat itayo ang may kakompletuhang sosyalistang sistema ng administratibong pangangasiwa na may katangiang Tsino. Unibersal na ipinalalagay ng mga dalubahasa na ang kasalukuyang round ng reporma ay pagpapatuloy at pagpapalalim ng dating mga reporma at bagay na nagpapakita ng aktibo, matatag at maayos na kaisipang tagapatnubay.
Salin: Vera
|