|
Ipinahayag ngayong araw ni ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina na matatag na umuunlad ang komprehensibong kooperatibong partnership ng Tsina't Timog Korea.

Sa isang preskon ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina nang araw ring iyon, sinabi ni Yang na nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang pasulungin, kasama ng panig Timog Koreano, ang naturang mainam na relasyong umaangkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng 2 bansa, at umaasang mapapalakas ang pagpapalita't pag-uugnayan ng mga lider ng dalawang bansa, mapapanatili ang tunguhin ng pagdadalawan sa mataas na antas, ibayo pang mapapalawak ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangang gaya ng kabuhaya't kalakalan, siyensiya't teknolohiya, kultura, edukasyon at kalusugan at mapapalakas ang pag-uugnayan, pagkokoordinahan at pagtutulungan ng 2 panig sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Salin: Vera
|