|
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina na ang relasyong Sino-Amerikano ay napakahalagang relasyong bilateral, at umaasang walang humpay na mapapasulong ng kapuwa panig ang kanilang konstruktibong relasyong pangkooperasyon.

Winika ito ni Yang sa isang preskon ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina nang araw ring iyon. Anya, ang natamong bunga ng kalakalan ng Tsina't Estados Unidos nitong nakalipas na ilang taon ay nakakabuti sa kapuwa panig.

Kaugnay ng isyu ng karapatang pantao, binigyang-diin ni Yang na nakahanda ang Tsina na isagawa ang makataong diyalogo sa Estados Unidos batay sa pagkakapantay at paggagalangan.
Salin: Vera
|