|
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Chen Deming, ministro ng komersyo ng Tsina na sa mula't mula pa'y hindi naghahangad ang Tsina ng trade surplus.

Sa panayam na ini-organisa ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, sinabi ni Chen na ang trade surplus at trade deficit na naganap sa malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay depende sa estrukturang pangkabuhayan ng iba't ibang bansa. Anya, pagkatapos ng pagganap ng trade surplus, nagsagawa na ang Tsina ng iba't ibang hakbangin para sa pagkabalanse ng kalakalan.

Salin:Sarah
|