• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-13 16:06:01    
Pamumuhay ng mga mamamayan, pokus ng pambansang plano sa siyensiya't teknolohiya ng Tsina

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Liu Yanhua, pangalawang ministro ng siyensiya't teknolohiya ng Tsina na sa panahon ng ika-11 panlimahang taong plano mula taong 2006 hanggang 2010, binibigyan ng mas malaking pansin ang pamumuhay ng mga mamamayan sa aspekto ng pambansang plano sa siyensiya't teknolohiya ng Tsina.

Sinabi ni Liu na sa panahong ito, magkapareho ang gugol na pansiyensiya at panteknolohiya para sa industrya at pamumuhay ng mga mamamayan at lumaki nang lumaki ang gugol sa aspekto ng kanayunan, kalusugan, kapaligiran, ekolohiya, kaligtasan, pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas sa epekto ng likas na kapahamakan.

Anya pa, nitong nakalipas na ilang taon, isinagawa ng kanyang ministri at mga kinauukulang departamento ang isang serye ng aksyong pansiyensiya't panteknolohiya na may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng proyekto ng masaganang ani ng pagkaing-butil na nagdudulot bawat taon ng 30 bilyong yuan RMB na direktang kita sa mga magsasaka.

Salin: Vera