• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-13 16:09:45    
Tsina, magkakaloob ng mas maraming ligtas at murang gamot sa mga mamamayan

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Sang Guowei, namamahalang tauhan sa espesyal na proyektong pansiyensiya't panteknolohiyan ng pananaliksik at pagyari ng mahalagang bagong gamot ng Tsina, na ang proyektong ito ay naglalayong magkaloob ng mga ligtas at murang gamot sa mga mamamayan.

Sinabi ni Sang na ayon sa kahilingan ng proyektong ito, sa panahon ng ika-11 panlimahang taong plano mula taong 2006 hanggang 2010, idedebelop ng Tsian ang 30 bagong gamot na nakakatuon sa ilang uri ng sakit na grabeng nagsasapanganib sa kaligtasan ng mga mamamayan at isasagawa ang renobasyon sa mga gamot na nakakatugon sa pundamental na pangangailangang medikal para maging mas malaki ang output, mas mahusay ang epekto at mas mura ang mga gamot na ito.

Salin: Vera