|
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Zhou Heping, pangalawang ministrong kultural ng Tsina na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na pinabibilis ng Tsina ang pagtatatag ng sistema ng kulturang pampubliko at natamo ang kapansin-pansing bunga.

Ipinahayag ni Zhou na nitong ilang taong nakalipas, bagong itinatag ng Tsina ang maraming pampublikong aklatan, sentrong kultural at museo, pinasimulan ang pambansang proyekto ng pagbabahagi ng mga yaman at impormasyong kultural at dinaragdan taun-taon ang laang-gugulin sa usaping kultural na mula noong 2001 hanggang 2006, lumampas sa 10% ang taunang paglaki ng kabuuang laang-gugulin sa usaping kultural ng buong bansa.

Salin: Sissi
|