|
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Li Changjiang, direktor ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina, na kailangang itatag ng Tsina't Hapon ang isang pangmatagalang mabisang mekanismong pangkooperasyon sa kaligtasan ng pagkain at magpapatingkad ito ng positibong papel para sa paglutas sa mga problema sa kalakalan ng pagkain.
Isinalaysay ni Li na mula noong 2004 hanggang 2007, nananatiling 99.4% pataas ang qualified rate ng mga iniluwas na pagkain ng Tsina sa Hapon. Pagkaraang maganap ang aksidente ng pagkalason ng mamimiling Hapones dahil sa pagkain ng dumpling ng Tsina, lubos itong ikinababalisa ng pamahalaang Tsino. Agarang nagsagawa ng imbestigasyon ang panig Tsino at aktibong nakikipag-ugnayan sa panig Hapones. Sa kasalukuyan, buong pagkakaisang ipinalalagay ng panig pulisya ng 2 bansa na ito ay isang kasong sinasadya.
Salin: Vera
|