|
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Li Changjiang, direktor ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina, na sa pamamagitan ng walang tigil na pangangasiwa, tumaas nang malaki ang lebel ng kalidad ng produksyon at kaligtasan ng pagkain ng Tsina.

Ipinahayag niyang mataas na pinahahalagahan ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ang gawain ng kalidad ng produksyon at kaligtasan ng pagkain at walang humpay na pinapalakas ang kamalayan ng mga bahay-kalakal sa isyung ito. Bukod dito, lumalakas nang lumalakas ang pagsusuperbisa at pamamahala ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas sa gawaing ito.

Salin: Vera
|