|
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Li Changjiang, direktor ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina na isasagawa ng kanyang bansa ang mga hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng mga pagkain para sa Beijing Olympic Games.
Ipinahayag ni Li na yayariin ng Tsina ang mga pagkaing ipagkakaloob sa Olimpiyada batay sa pinakamataas na pamantayang pandaigdig, isasagawa ang mahigpit na market access sa mga bahay-kalakal na magpoprodyus ng mga ito at susuperbisahin ang paghahatid at pagtinggal ng mga pagkaing ito.
Sinabi ni Li na palalakasin din ng Tsina ang kooperasyong pandaigdig sa pagsusuplay ng pagkain para sa Olimpiyada.
Salin: Sissi
|