• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-14 10:23:47    
Unang sesyon ng bagong termino ng CPPCC, ipininid

CRI

Ipininid kaninang umaga sa Beijing ang unang sesyon ng ika-11 Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC. Lumahok sa pulong ng pagpipinid ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo at Wen Jiabao.

Nangulo sa pulong si Jia Qinglin, muling nahalal na tagapangulo ng CPPCC. Ipinahayag niya sa talumpati na ayon sa bagong pagsulong ng kalagayan at bagong pag-asa ng mga mamamayan, lubos na patitingkarin ng CPPCC ang sariling katangian at bentahe, mas mabuting isasabalikat ang tungkulin ng konsultasyong pulitikal, superbisyong demokratiko at paglahok sa pamamahala sa mga suliraning pang-estado at ibibigay ang bagong ambag para sa pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at paggigiit at pagpapaunlad ng sosyalismong may katangiang Tsino. Binigyang-diin din niyang dapat igiit ng CPPCC na gawing pangunahing target ng pagsasabalikat ng mga tungkulin ang pagpapasulong ng kaunlaran, hawakang mahigpit ang dalawang tema ng pagkakaisa at demokrasiya at walang humpay na palakasin ang kakahayan sa pagsasabalikat ng tungkulin.

Pinagtibay naman sa pulong ang ulat sa gawain ng pirmihang lupon ng CPPCC, ulat sa pagsusuri sa mga mosyon at resolusyong pulitikal ng kasalukuyang sesyon.

Salin: Liu Kai