• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-14 18:34:48    
Pinal na plano ng Beijing Olympics torch relay sa loob ng Greece, isinapubliko

CRI
Sa preskong idinaos kahapon, local time, sa Athens, ipinatalastas ni Minos Kyriakou, pangulo ng Greek Olympic Committee, na si Alexandros Nikolaidis, taekwondo athlete ng Greece ay magiging unang torch bearer ng paghahatid ng sulo para sa 2008 Beijing Olympic Games sa loob ng Greece at si Pigi Devetzi, triple jump athlete ng Greece, ay magiging panghuli.

Napag-alamang ang Beijing Olympic Games torch relay na sisimulan sa ika-24 ng buwang ito sa Ancient Olympia ay tatagal nang 7 araw sa loob ng Greece. Pagkaraang dumating ang sulo ng lugar na pinagdausan ng unang modernong Olympic Games sa sentro ng Athens sa ika-30 ng buwang ito, ililipat ito ng Greek Olympic Committee sa lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games.

Salin: Liu Kai