|
Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag na hanggang sa taning ng pagtanggap ng mosyon ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, iniharap ng mga kinatawan ang 462 mosyon lahat-lahat.
Ang naturang mga mosyon ay sumasaklaw sa iba't ibang larangan na gaya ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan at iba pa at ang karamihan ay hinggil sa lehislasyong may kinalaman sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, ibayo pang pagbabago ng tungkulin ng pamahalaan, pagpapalalim ng reporma sa sistema ng administrasyon at iba pa.
Salin: Liu Kai
|