|
Nang kapanayamin kahapon ng mamamahayag, ipinahayag ni Ginang Rita Fan, bagong halal na kagawad ng Pirmihang Lupon ng bagong Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na puspusang isasabalikat ang kaniyang tungkulin at magiging mas mahusay na tulay ng pag-uugnaya't pagtutulungan ng Hong Kong at interyor.
Ipinalalagay ni Fan na maaaring iharap ng mga kinatawan ng NPC ng Hong Kong ang mga mungkahi, karanasan at kaisipan sa ilang larangan ng Hong Kong na may kinalaman sa kaunlaran ng bansa, may responsibilidad din sila sa pagsasalaysay ng kalagayan ng pag-unlad ng bansa sa iba't ibang aspekto sa mga taga-Hong Kong sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel para malaman nila ang sariling bayan. Nananalig anya siyang ibayo pang mapapahigpit ang kooperasyon ng Hong Kong at interyor at matatamo ang mga bagong pagkakataon ng komong kaunlaran.
Salin: Vera
|