|
Ayon sa resulta ng pagboto ng ika-6 na sesyong plenaryo ng unang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, si Wen Jiabao ay nanungkulan bilang premyer ng konseho ng estado ng Tsina.
Idinaos ngayong araw ng unang sesyong ng ika-11 NPC ang ika-6 na sesyong plenaryo para maihalal ang premyer ng konseho ng estado, pangalawang tagapangulo at kagawad ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina at ang punong mahistrado ng kataas-taasang hukumang bayan at prokurador heneral ng kataas-taasang prokuraturang bayan ng Tsina.
Ayon sa resulta ng pagboto, sina Guo Boxiong at Xu Caihou ang nanungkulan bilang pangalawang tagapagngulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina. Si Wang Shengjun ang nanungkulan bilang punong mahistrado ng kataas-taasang hukumang bayan at si Cao Jianmin ang nanungkulan naman bilang prokurador heneral ng kataas-taasang prokuraturang bayan.
Salin: Vera
|