|
Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Qi Ji, pangalawang ministro ng pabahay at konstruksyon sa lunsod at nayon ng Tsina, na ang pagiging mabagal ng pagtaas ng presyo ng pabahay ng Tsina ay nagpapakitang lumitaw ang bunga ng makro-kontrol.
Nang kapanayamin ng mga mamamahayag na Tsino't dayuhan, ipinahayag ni Qi na ang sustenableng pagtaas ng presyo ng pabahay ng Tsina nitong nakalipas na ilang taon ay nagdulot ng iba't ibang problema. Sapul noong ika-4 na kuwarter ng nakaraang taon, bumabagal nang bumabagal ang pagtaas ng presyo ng pabahay ng Tsina at bumaba ang presyo ng pabahay sa ilang lunsod na may mabilis na pagtaas ng presyo ng pabahay, mainam ang kalagayang ito at nagpapakita itong lumitaw na ang bunga ng isang serye ng hakbangin ng makro-kontrol na isinagawa ng pamahalaan sa real estate market, bagay na naigarantiya ang ilang makatwirang pangangailangan sa pabahay.
Salin: Vera
|