Si Qi Ji
Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng bansa, ipinahayag ni Qi Ji, Pangalawang ministro ng pabahay at konstruksyon ng mga lunsod at kanayunan ng Tsina na sa pamamagitan ng sistema ng bahay na mababa ang upa, pinabuti na ang kondisyon ng pabahay ng 950 libong pamiliyang mababa ang kita.
Sinabi ni Qi na ang sistemang ito ay nukleong nilalaman ng kasalukuyang sistemang panggarantiya ng pabahay ng Tsina. Mula noong isang taon, maliwanag na bumilis ang konstruksyon ng sistema ng bahay na mababa ang upa at may mas maraming pamiliyang mababa ang kita ang nabiyayaan.
Salin: Sissi
|