|

Idinaos kaninang hapon ang ika-7 sesyong plenaryo ng unang pulong ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina.

Ayon sa nominasyon ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina, ipinasiya sa pulong na ito ang iba pang miyembro ng konseho ng estado ng Tsina. Sina Li Keqiang, Hui Liangyu, Zhang Dejiang at Wang Qishan ay naging pangalawang punong ministro. Sina Liu Yandong, Liang Guanglie, Ma Kai, Meng JIanzhu, Dai Binguo ay naging kasangguni ng estado. Ipinatalastas pa ng pulong ang listahan ng pangkalahatang kalihim ng konseho ng estado, mga direktor ng iba't ibang lupon, puno at punong auditor ng People's Bank of China.
Salin: Sissi
|